Wednesday, September 18, 2013

Mga Anyong Lupa


Mga Anyong Lupa

        
   
Ang burol ay isang anyong lupa na lumalagpas sa taas ng pumapalibot na kalupaan, sa isang limitadong sukat. Kadalasang may natatanging tuktok, bagaman sa ibang lugar na may ungos, maaaring tumukoy ang isang partikular na seksyon ng dalusdos ng ungos na walang malinaw na tuktok. Maliit na burol ang isang punso.




Ang bundok (Ingles: mountain[1]mont [katawagang pang-heograpiya][1], at mount[1] [isa pang katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol bagaman may kinikilalang tuktok ang isang bundok.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Anyong_lupa



Ang kapatagan sa heograpiya ay mahaba, patag at malawak na anyong lupa. Madaling linangin at paunlarin ang mga pook na kapatagan. Mainam ito sa pagsasaka, Pagtatayo ng mga kabahayan at paaralan at sa pangangalakal kaysa sa mga talampas at mga bundok.
Ito rin ang pinakamataong uri ng anyong lupa. Dahil sa patag na lupain, mas madaling magpagawa ng mga lugar na maaaring gamitin ng mga tao. Sa Pilipinas, malalawak ang mga kapatagan sa Gitnang Luzon gaya ng TarlacNueva EcijaPampanga at Bulacan. Maraming produkto ang nakukuha rito tulad ng palaymaistubokamote at iba pang mga gulay. Sa kapatagan naman ngCaviteLagunaBatangasRizal at Quezon ay may malalawak na taniman ng niyogkapepinya, dalandan, mais at palay. Sagana naman sa abakapapayamangga, tubo at mga gulay sa mga kapatagan ng NegrosDavaoCebu at Iloilo.



4 comments: